Kahit natalo sa laban vs Ugas: Pacquiao, mananatiling Pambansang Kamao sa mga Pinoy – Malacañang

Mananatiling “People’s Champ” si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao kahit natalo siya kanyang laban kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mananatiling matatag at hindi matitinag ang suporta ng publiko sa boxing career ng tinaguriang Pambansang Kamao.

“The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ayon kay Sec. Roque.

Mananatili aniyang nakaukit sa puso ng mga filipino si Senador Pacquiao bilang People’s Champ.

“Mabuhay ka, Manny!,” sigaw ni Sec. Roque.

Samantala, pinasalamatan naman ni Senador Bong Go si Pacquiao sa ipinamalas nitong tapang sa laban nito kay Ugas.

Para kay Go, si Pacquiao ay isang huwaran na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang atleta at sa bawat Pilipino.

“Thank you to my fellow Senator and Mindanaoan, Manny Pacquiao, for putting up a gallant fight against reigning WBA (Super) welterweight champion Yordenis Ugas.” ayon kay Go.

“Senator Manny, sa muli, maraming, maraming salamat at mabuhay ka!,” dagdag na pahayag nito.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.