Kamara at Senado, hinimok na isapubliko ang kanya-kanyang bersyon ng GAB bago aprubahan sa bicam

Hinimok ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Representative Alan Peter Cayetano ang mga kapwa mambabatas na isapubliko ang nilalaman ng House at Senate version ng 2021 General Appropriations Bill, para humupa ang pangamba ng mga Pilipino at matiyak na walang unconstitutional at invidual insertions na ginawa sa ilalim ng 2021 national budget bago pa man ito mapagtibay sa bicam.

Kasunod na rin ito ng alegasyon ng pagdaragdag sa pondo ng ilang district representatives.

Ayon sa kongresista, sa paraang ito ay maipapakita mismo sa publiko kung talaga bang may dagdag-bawas na ginawa sa pambansang pondo.

Mabibigyang pagkakataon din ang media na kung may katotohanan sa mga bintang ng korapsyon at katiwalian na nakapaloob sa national budget.

Karapatan din aniya ng lahat ng myembro ng Kongreso na malaman ang nilalaman ng P4.5 trillion 2021 national budget upang maiwasan ang “for later release” sa mga budget items at maiwasan din ang veto sa budget.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.