Kamara, inaprubahan ang pagbibigay ng prangkisa sa 3rd telco na DITO

Lumusot na sa Kamara ang HB 7332 o ang panukala na magbibigay ng 25 years franchise sa third telco na DITO Telecommunity Corp.

Sa botong 240-Yes, 7-No, at zero abstention ay inaprubahan ang naturang panukala kung saan pinapayagan na ang DITO telco na makumpleto ang roll-out, pagtatag, at installations ng kanilang telecommunication system sa buong bansa.

Binubuo ang DITO telco ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp., Udenna Corp, at China Telecom.

Hulyo ng nakaraang taon nang gawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DITO Telecommunity ng “permit to operate” bilang third telco provider ng bansa.

Marso ng susunod na taon naman inaasahan na mag-uumpisa ang DITO sa kanilang commercial operations.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.