Kamara pinagpaliban ang pagdinig sa ABS-CBN franchice, itinakda sa June 29

Ipinagpaliban ng House of Representatives ang pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN hanggang sa susunod na linggo.

Ayon kay House legislative franchises panel chair Franz Alvarez, ito ay para bigyan pa ng oras ang media network at iba pang ahensya na makapagsumite ng mga kailangang dokumento at mapag-aralan ng mga mambabatas.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa June 29.

“Next Monday [is the next hearing]. We need more time [to] submit documents and [study the] documents,” ani Alvarez.

Maaalalang noong May 5, nawala na sa ere ang ABS-CBN makaraang iisyu ng National Telecommunications Commission ang cease and desist order laban sa network.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.