Kamara, Prayoridad na talakayin ang pagbabalik ng death penalty sa bansa

Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na pagsisikapang isailalim sa deliberasyon ng Kamara ang panukalang ibalik ang parusang bitay para sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Sinabi ni Romualdez na handa ang mga kongresista na himayin ang panukalabg inihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang State of the Nation address nito.

Kabilang din sa mga prayoridad ng administrasyon ay ang Bayanihan to Recover as One bill, at ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill.

“We, in the House of Representatives, are committed to deliver to the President the measures needed to support his vision for the nation in the years to come. We are ready to take on the challenge,” ani Romualdez.

“Despite the uncertain times brought by the global pandemic, we will ensure that the administration’s priority bills will be realized with efficiency for the welfare of the Filipino people.”

Sinabi pa ni Romualdez na makikipag-ugnayan siya kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri upang matalakay ang nabànggit na mga panukala.

“We expect that the Senate will work hand-in-hand with the House to smoothen the deliberations and passage of these vital bills. Of course, this will be done without sacrificing the quality of debates and discussions in both the committee and plenary levels.”

Siniguro rin ni Romualdez na ang mga panukalang nasa prayoridad ng Pangulo ay kaakibat na tatalakayin kasabay ng 2021 national budget at coronavirus disease (Covid-19) roadmap for recovery.

Nasa prayoridad din ng Pangulo na binanggit sa SONA ang National Housing Development bill, Rental Housing Subsidy bill, Advanced Nursing Education bill, Medical Reserve Corps bill, unified system of separation retirement and pension for uniformed personnel, at ang modernization of the Bureau of Fire Protection at Bureau of Immigration.

Humiling din si Duterte sa Kongreso na ipasa ang National Land Use Act; Coconut Farmers Trust Fund; Rural Agricultural and Fisheries Development Financing System Act; at ang Internet Transactions Act.

Gayundin ang paglikha sa Department of Overseas Filipinos, Department of Disaster Resilience, Boracay Island Authority, at National Disease Prevention and Management Authority.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.