Kamara, tuloy ang pagbabalik sesyon sa ilalim pa rin ng liderato ni incumbent Speaker Alan Peter Cayetano

Ang liderato pa rin ni incumbent Speaker Alan Peter Cayetano ang magbubukas ng sesyon ng Kamara ngayong araw.

Ito ang pagibibgay diin ni Cayetano kahit pa sa 186 ng mga kongresista ang bumoto para iluklok si Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang bagong house speaker sa isinagawang sesyon kahapon sa Celebrity Sports Club sa Quezon City.

Ayon kay Cayetano, magbabalik sesyon ang Mababang Kapulugnan ngayong araw sa ilalim pa rin ng kanyang pamumuno.

Sakali namang nasa kampo na nga ni Velasco ang Mayorya ay hindi naman aniya problema ang pagalis niya sa pwesto.

Hindi rin aniya siya makikipagagawan sa pwesto at ipapaubaya niya sa mga myembro ng Kamara ang pagpili ng Speaker.

Bukas naman si presumptive Speaker Velasco na bigyan ng posisyon sa liderato ng Kamara si incumbent Cayetano bilang bahagi ng kanilang “healing process”.

Aniya, depende kay Cayetano kung ano ang gusto nitong posisyon sa Kamara pero kung siya ang tatanungin ay nais niya itong maging isa sa kanyang mga Deputy Speakers.

Muli ring tiniyak ni Velasco na tulad ng kanyang sinabi noong una ay wala silang papalitang committee chair.

Pakiusap na lamang ni Velasco na bumaba sa pwesto si Cayetano ng tahimik at mapayapa nang sa gayon ay masimulan na nila ang deliberasyon para sa pambansang pondo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.