Kapa Ministry founder Joel Apolinario itinago ng isang mayor

Iniimbestigahan na ng pulisya ang koneksyon ng alkalde ng Lingig, Surigao del Sur kay Kapa Ministry founder Joel Apolinario matapos na sa kanilang lungsod magtago ang wanted dahil sa investment scam.

Ayon kay CARAGA Police chief Police Brigadier General Joselito Esquivel, napag-alaman nila na ang resort na pinagtaguan nina Apolinario at kanyang mga tauhan ay binili o nirentahan pala kay Lingid mayor Jimmy Luna.

“Reportedly ito ay nabili o inaarkila niya doon sa mayor mismo ng Lingig. Iniimbestigahan din natin ‘yung mayor, bakit ‘yung ganitong isang napakalaking puwersa ay unang-una, ikaw na mayor, ikaw pa magbebenta o magpapaarkila ng lupa,” saad ni Esquivel sa isang radio interview.

Matatandaan na nitong Martes ay arestado si Apolinario at 23 pa nitong tauhan sa isang resort sa Sitio Dahican, Barangay Handamayan sa nasabing bayan kung saan dalawa sa kampo ng Kapa founder ang nasawi.

Saad pa ni Esquivel, protektado sa loob ng resort si Apolinario dahil sa 11 feet na pader na nagpahirap sa operasyon ng pulisya.

Tumanggi sa mga panayam sa media ang alkalde ngunit angako ang local government unit ng Lingig na magbibigay ng pahayag si Luna ukol sa isyu.
Samantala, na-report ang panloloob sa abandonadong opisina ng Kapa sa Sarangani nitong Miyerkoles kung saan pinaniniwalaang mga biktima ng scam ang sangkot.

Ilan sa mga kinuha ay mga roofing material, cabinet, at maging mga halaman at hindi nagamit na toilet bowl.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.