Kapatid ni ASG bomber Mundi Sawadjaan, patay sa engkwentro sa Sulu

Namatay sa pakikipaglaban sa mga tropa ng Joint Task Force Sulu ang kapatid ng Abu Sayyaf Sub-leader at bomber Mundi Sawadjaan at isa pang ASG member, kahapon sa Patikul, Sulu.

Kinilala ni Joint Task Force – Sulu at 11th Infantry Division Commander MGen William N. Gonzales ang dalawang nasawing terorista na si Mujafal “Jhapz” Sawadjaan, ang nakatatandang kapatid ni Mundi Sawadjaan at Muktihar Taha alias Mukti.

Narekober ang bangkay ng dalawang terorista matapos ang sunod-sunod na engkwentro ng militar sa ASG sa boundary ng Barangay Taung, Taglibi, at Panglayahan sa Patikul.

Nagsimula ang engkwentro pasado alas-9 ng umaga, matapos tugisin ng militar ang isang ASG member na nag-iwan ng improvised explosive device (IED) hanggang sa makasagupa ang grupo ni Sawadjaan.

Nakatanggap din ng inisyal na ulat ang militar na maging ang pinaka-batang kapatid ni Mundi na si Al-al Sawadjaan ay namatay din sa engkwentro.

Naniniwala si MGen. Gonzales na mag-isa nalang na nagtatago si Mundi, kasunod ng pagkalagas ng kanyang mga tauhan, kabilang ang Egyptian terrorist at dalawang miyembro ng kanyang grupo na napatay noong nakaraang linggo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.