Karagdagang isang batalyon ng SAF ipadadala sa Sulu

Kasunod ng pagkamatay ng isang Special Action Force (SAF) trooper sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Lunes, karagdagang isang batalyon ng SAF Commandos ang ipapadala sa lalawigan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, ang 288 SAF commandos ay magsisilbing augmentation force para sa 60 SAF troopers na kasalukuyang naka-deploy sa Sulu.

Sinabi pa ni Banac, na ang karagdagang deployment ng SAF troopers ay bukod pa sa augmentation force ng mga regular na pulis na galing naman sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR).

Magugunitang ipinag-utos ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa kay PRO-BAR Regional Director Police Brigadier General Manuel Abu, na dagdagan ang pwersa ng pulis sa Sulu kasunod ng insidente noong Lunes.

Isang SAF trooper na kinilalang si Police Master Sergeant Joe Michael Langbis, walong sundalo at anim na sibilyan ang nasawi sa insidenteng kagagawan umano ng dalawang suicide bombers.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.