Kaso ng COVID-19 sa Pinas lumubo na sa 187K

Lumobo sa 187,249 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado.

Ayon sa datos ng Department of Health, nadagdagan ng 4,933 ang tinamaan ng new coronavirus sa Pilipinas, kung saan karamihan ay mula sa NCR (2,845).

Dahil dito’y umakyat sa 69,362 ang active cases ng COVID-19.

Samantala, tumaas sa 114,921 ang nakarekober sa nasabing sakit sa 436 bagong gumaling sa virus.

Habang natakda sa 2,966 ang death toll sa 26 dagdag sa nasawi.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.