Kasong kidnapping laban kina dating Cong. Neri Colmenares, Rep. Sarah Elago at iba pa, ibinasura ng DOJ

Ibinasura ng DOJ Prosecutors ang reklamong kidnapping laban kina dating Cong. Neri Colmenares at Kabataan Party-List Rep. Sarah Elago at iba pa, kaugnay sa reklamong inihain PNP-CIDG at ni Ginang Relissa Lucena, ina ng nawawalang aktibistang estudyante na si Alicia Lucena.

Ayon sa DOJ Prosecutors bigo ang mga complainants na makapaghain ng sapat na ebidensya, na magpapatunay na nagre-recruit ang ANAKBAYAN ng mga menor de edad para sumapi sa CPP-NPA-NDF.

Ayon sa piskalya, wala silang nakitang paglabag sa R.A. 9851 o Philippine Acts on crimes against Humanities Law, Genocide at iba pang crimes against humanity na hindi anya napatunayan ng complainants, na ang ANAKBAYAN ang recruitinģ-arm ng CPP-NPA-NDF.

Una nang naglabas ng affidavit si Alicia Lucena at itinanggi nito na siya ay sapilitang kinuha ng ANAKBAYAN at sa halip ay kusa siyang umalis sa kanilang bahay.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.