Kidnapping case ni Trillanes, sisimulan na ng DOJ

Binigyan ng Department of Justice si dating Sen. Antonio Trillanes IV ng 10 araw para sagutin ang kidnapping charges na inihain laban sa kanya ni Guillermina Barrido.

watch the video here:


Iginiit ng negosyante mula sa Davao na kinulong siya sa dalawang kumbento noong 2016 at pinilit umanong magsalita laban kay Pres. Duterte. Itinanggi naman ito ni Trillanes at ni Fr. Albert Alejo na inireklamo rin.

Nakatakdang humarap si dating senador Antonio Trillanes IV kasama ang kanyang kapwa respondents sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng reklamong kidnapping.

Uumpisahan na kasi ni Assistant State Prosecutor Gino Paolo Santiago, ang humahawak sa kaso, ang preliminary investigation ng reklamong inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), alang-ala sa orihinal na complainant na si Davao-based businesswoman Guillermina Lalic Barrido, alyas Guillermina Arcillas.

Kaugnay nito ay nag-isyu si Santiago ng subpoena sa respondents upang magsumite ng kanilang kontra-salaysay at iba pang dokumento.

“You are hereby warned that failure on your part to comply with the subpoena shall be considered as waiver of your right for investigation to verify and confirm the allegations of your complaint and the case shall be considered submitted for resolution based on the evidence on record,” ani Santiago.

Inakusahan si Trillanes at kapwa respondents ng kidnapping with serious illegal detention na may paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code.

Bukod kay Trillanes, ang mga pinangalanang respondents sa complaint ay sina Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Josue Sabio, at Sister Ling.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.