Klase sa Marikina suspendido ng isang buwan

Maaaring sa Enero pa ng susunod na taon ibalik ang klase sa Marikina City ayon kay Mayor Marcelino Teodoro.

“I decided to suspend classes because the proper environment is not present at this point in time for our students to have distance learning at home. The month-long suspension, when it ends, the Christmas break will commence,” hayag nito sa panayam ng ABS-CBN.

“We’re thinking classes will resume by January,” dagdag ng alkalde.

Lahad pa nito na mahigit 50,000 pamilya ang lumikas dahil sa pagbaha habang halos 9,000 kabahayan ang walang kuryente.

Una na nitong sinabi na ang pagkakansela ng klase ay upang magbigay-daan sa rehabilitasyong ng lungsod.

Aniya, palalawigin niya ito kung hindi pa handa ang mga paaralan para sa distance learning.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.