Koleksyon ng PhilHealth mula sa mga OFW, bumagsak

Pinuna ni Marikina Representative Stella Quimbo ang mababang koleksyon ng PhilHealth mula sa mga overseas Filipino worker (OFW) ngayong taon, kumapra noong 2010.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa mga isyu sa ahensya, sinabi ni Quimbo, na noong 2010 ay nasa 767,000 OFWs pa ang nagbabayad ng kontribusyon, ngunit bumagsak ito ngayon sa halos kalahati.

Pag-amin naman ni PhilHealth Overseas Filipino Program Senior Manager Chona Yap, na mula sa tatlong milyong OFWs na nasa kanilang database ay 320,000 OFWs lamang ang kanilang nakokolektahan ng premium contribution ngayong taon.

Bukod dito, lumabas din sa pagdinig na mataas ang claims ng OFWs kumpara sa kanilang kontribusyon.

Katunayan noong 2019 ay nasa P1.02 billion premium collection sa OFWs, pero umabot naman sa P1.7 billion ang kanilang claims.

Hirap din aniya sila na mangolekta sa OFWs abroad, bunsod ng kawalan ng mga opisina o representatives sa ibang mga bansa.

Lima lamang aniya kasi ang accredited collecting agents sa ibang bansa, at partners na local agents, na kung saan doon nagbabayad ang mga OFW.

Pagsapit din aniya ng 2015, ay hindi na inoobliga ang OFWs na bayaran ang kanilang mga premium bago makakuha ng overseas employment certificate (OEC) para makapagtrabaho abroad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.