Koneksyon ng 1Sambayan sa election watchdog na NAMFREL, nasilip

Nasilip ngayon ng isang tech editor at web developer ang posibleng ugnayan ng opposition group na 1Sambayan sa isang election watchdog na dapat ay non-partisan o walang kinikilingan sa panahon ng halalan.

Ayon sa tech editor na si Art Samaniego, ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) ang nagho-host sa application ng 1Sambayan na “1SAMA ako”.

Ang NAMFREL ang isa sa mga naunang election monitoring group sa Pilipinas at dapat ay non-partisan o neutral ang grupo.

Accredited ito ng Commission on Elections (COMELEC) para magsagawa ng Operation Quick Count sa eleksyon.

Umabot naman sa 21 eleksyon ang nasalihan ng NAMFREL.

Ani Samaniego, “Ang host name ng IP address ng isama.1sambayan.org-namfrel-test-vm.teravibe.com. So nagtaka kami? Bakit ganun? Bakit may NAMFREL? Bakit ginamit yung pangalan ng NAMFREL?”

Bukod dito, naugnay rin ang IP address ng NAMFREL sa facebook page ng VOTE FOR US, na ang ilang post ay nakashare sa facebook page ng ilang COMELEC regional offices.

“At napansin namin, may nagshe-share na ang pangalan ay COMELEC na ang pangalan ay COMELEC. COMELEC Aurora, COMELEC Baguio. So nagtanong din kami bakit ninyo shini-share yung mga post na galing kay NAMFREL na sinusuportahan ng Sambayan?” dagdag pa ni Samaniego.

“So itong vote for us, maaaring project to ng NAMFREL kasi sila yung magka-konekta eh. Pero ang tanong namin, bakit si NAMFREL na dapat non-partisan siya, bakit nandun kasama niya, ba’t niya hinohost yung Sambayan App? Na halatang partisan, na Anti-Duterte.”

Samantala, nilinaw ni Samaniego na kung idadaan sa technicality ay walang problema ang ginawa ng NAMFREL.

“So technical walang isyu dun eh kasi kayang gawin. Ano to, ethical siguro yung tanong o moral issue yung tanong natin ngayon. Kasi kung technical, kayang kayang gawin talaga.”

Samantala, nakitaan naman ng data breach ang 1Sambayan App.

Babala ni Samaniego, posibleng manakaw ang impormasyon ng mga nag-parehistro gamit ang app.

“Kumpleto yung mga data na pwede nang gamitin against you. Kasi ang mga kasamang data niya ay APPLE ID, address, birthday, birthday mo. Ah email address, Facebook ID. Tapos meron pang full name, Google ID mo, phone number, password, pati profile picture mo, username saka profession kasama lahat yun. Itong mga detalye na to pwede nang gamitin para manakaw yung identity mo.”

Batay naman sa impormasyon na nakalap ng kampo nina Samaniego, mahigit sa 3,000 katao ang naapektuhan ng data breach gamit ang 1Sambayan App.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.