Konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension 58% nang kumpleto

Inihayag ng Department of Transportation na nasa 58% nang kumpleto ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension matapos na mai-install na ang girder sa kahabaan ng Maynila.

Kapag natapos na ang proyekto, mabawasan na umano ang oras ng biyahe sa pagitan ng Baclaran at Bacoor, ang Cavite na mula isang oras at 10 minuto na biyahe ay aabot na lamang sa  25 minuto at tataasan ang kapasidad ng pasahero mula 500,000 hanggang 800,000 araw-araw.

Ayon kay Department of Transportation  (DOTr) Arthur Tugade na ang mga girder, o pahalang na mga istruktura, ay naikabit  gamit ang buong span girder launching method gamit ang makabagong kagamitan at mabilis na nakumpleto kumpara sa traditional pre-casting.

“Further, these girders will no longer have to be transported via road transport, so as not to cause traffic congestion along the affected areas,” sabi ni Tugade sa isang Facebook post.
Matatandaan na una itong inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Investment Coordination Committee noong Agosto 2000.

Sinabi ng DOTr na zero porsyento ng right of way (ROW) ay certified “free and clear”  mula sa  project’s independent consultant noong 2016.
Noong Mayo 2019, sa tulong ng  Light Rail Transit Authority at  Light Rail Transit Authority napabilis ang pagkuha ng ROW upang masimulan na ang pagtatayo sa unang hakbang ng proyekto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.