Korina Sanchez, tinawag na ‘frustrated first lady’ nakipagsagutan sa mga basher

Hindi inaatrasan ni Korina Sanchez ang mga pangbubuwisit sa kanya ng mga basher kaugnay sa ABS-CBN shutdown.

Sa kanyang Instagram post, nag-react ang batikang broadcaster sa pag-apruba ng Kamara sa temporary renewal ng ABS-CBN franchise.

“House approves temporary renewal of ABSCBN franchise until end of October 2020. Okay. I guess dapat mag Thank You…na pinakinggan nila ang konsiyensiya nila. Kasi hindi naman talaga dapat yan pinasarado. So, no thanks for putting the whole country through this unnecessary stress and turmoil and for branding the Philippines in the world as a mockable state. Pero, sana, matuloy ang pangako? Kase nangako na dati sa Senate Hearing na hindi pasasarado. Pero pinasarado. Paano ito naiba? Pakita nga,” ani Korina.

View this post on Instagram

House approves temporary renewal of ABSCBN franchise until end of October 2020. Okay. I guess dapat mag Thank You…na pinakinggan nila ang konsiyensiya nila. Kasi hindi naman talaga dapat yan pinasarado. So, no thanks for putting the whole country through this unnecessary stress and turmoil and for branding the Philippines in the world as a mockable state. Pero, sana, matuloy ang pangako? Kase nangako na dati sa Senate Hearing na hindi pasasarado. Pero pinasarado. Paano ito naiba? Pakita nga. And okay naman magbanta si Senator Cayetano na hindi ito permanente. Okay lang. Sana lang siguraduhin ng mga legislators naten na ang magiging desisyon nila by end of October ay MAY BASEHAN ha? Because, again: this isn't just a moment in time. This is each legislators’ legacy to their surname FOREVER that their descendants will carry. Sino ba naman ako? Just sayin’. 💚

A post shared by Korina Sanchez-Roxas (@korina) on

Nag-comment dito ang netizen na si @tryingtobestrongph, “Sana po mag aral na si kim chiu ulit para tumalino siya. Pakisabi po sa kanya.”

Sumagot si Korina ng, “@tryingtobestrongph wag kang BRUHA.”

Isang basher ang nagsabi kay Korina na isa siyang “frustrated first lady”.

Rumesbak si Korina rito at sinabing, “Iz dat da best you can do? O sya. Please leave. Sakapang bruha. Out!”

Isa pang netizen ang nag-comment (@johnnyjay1997): “Buti nlng hindi si Mr. mo naging pres. Pihado panay pa-cute lang din gagawin mo…”

Nag-reply dito si Korina ng: “@johnnyjay1997 yan na ba ang best mo? Kaya naman pala yan nalang pinagkakakitaan mo troll. Proud kaya parents mo sayo.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.