Korte Suprema ibinasura ang petisyon na kumukuwestyon sa Bayanihan Law at ECQ sa Luzon

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang petisyon na kumukuwestyon sa legalidad ng Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan to Heal As One Act at sa mga presidential proclamation sa naging estratehiya ng pamahalaan sa pagtugon sa coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Sa pahayag noong Hulyo 1, sinabi ng SC Public Information Office na ang en banc ng SC, sa kanilang sesyon noong Hunyo 30, ay ibinasura ang petisyong isinampa ni former Laguna State Polytechnic University dean Jaime Ibañez “as it failed to show grave abuse of discretion committed by its respondents”.

Tinukoy sa petisyon na isinampa noong nakaraang buwan sina Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, Health Secretary Francisco Duque III, at ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Tatlong mahistrado, sina Associate Justices Alexander Gesmundo, Marvic Leonen, at Samuel Gaerlan ang hindi sumang-ayon sa opinyon ng mayorya.

Ilalabas ng SC ang resolusyon kapag may kopya na mula sa Office of the Clerk of Court.

Ang kaso na isinampa ni Ibañez ay naglalayon na ideklara ang Bayanihan law at ang Presidential Proclamations 922 and 929 bilang “partly unconstitutional” sanhi ng Covid-19 pandemic.

Ang Proclamation No. 922 na inilabas noong Marso 8 “declared a state of public health emergency in the country” habang ang Proclamation 929 na inilabas noong MArso 16 “declared a state of calamity nationwide and imposed an enhanced community quarantine throughout Luzon”.

Ayon pa kay Ibañez, kabilang sa kaso ang “undue exercise of delegated legislative power”.

Noong Marso ay inaktuhan ng Congress ang Bayanihan law na nag-awtorisa kay Pangulong President Rodrigo Duterte “to exercise powers that are necessary and proper to carry out the declared national policy in responding to the health crisis”.

Ang batas na napaso na noong Hunyo 25 ay nag-atas din sa Pangulo na magsumite ng lingguhang ulat sa Congress.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.