Krimen sa Metro Manila bumaba nitong 2018 ayon kay NCRPO Chief Eleazar

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar sa press briefing kaninang umaga, bumaba ng 27% ang krimen laban sa tao, 17% krimen laban sa ari-arian, at 52% naman ang ibinaba ng kaso ng pamamaslang o murder.

Mula kasi sa bilang na 1,542 na kaso ng murder noong 2017, nasa 738 lang ang naitala nitong 2018.

Bumaba rin ng 53% ang mga krimen ng mga tandem na suspek mula sa 853 na kaso noong 2017, ay naging 400 na lang noong 2018.

Dagdag pa ni Eleazar, mas mababa rin ng 54% ang krimen sa kasalukuyang administrasyon kumpara sa nakalipas na administrasyon sa unang 30 buwan.

Bukod dito, bumaba rin ang index crime rate mula sa 12 krimen kada buwan sa bawat 100,000 populasyon noong 2017 at naging 9 na lamang kada buwan noong 2018.

Para kay Eleazar, naging malaki ang pagbabago noong 2018 at inaasahan niyang mas magiging maganda pa ngayong taong 2019.

watch the Press briefing here:

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.