Krimen sa Mindanao, bumaba ng 37% dahil sa martial law – PNP

Bumaba ng 37 porsyento ang pangkalahatang naitalang bilang ng krimen sa Mindanao dahil sa martial law.

Ito ang inihayag ni Police Director Mao Aplasca ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations sa regular Monday press conference ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa Camp Crame kahapon Nobyembre 5 2018.

 

Sa kanyang panig, tinukoy ni PNP Chief ang monthly average index crime rate o mga itinuturing na major crimes sa Mindanao ay 8.75 percent noong 2017, kumpara sa 5.92 percent nalang mula January hanggang Sept 2018.

Kaya ayon kay Albayalde, base sa istatistika ay nakikita ng PNP na nakatulong ang martial law sa pangkabuuang kaayuasan at kapayapaan sa Mindanao.

Ang sentimiyento ng nakararami sa Mindanao ay pabor sa martial law dahil sa pagbabago sa peace and order situation sa lugar.

Kaya suportado ng PNP ang pagpapalawig sa Martial law sa Mindanao kung sakiling ito ang maging desisyon ng Malacañang base sa rekomendasyon ng militar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.