Kris Aquino, inalala ang kadakilaan ng “Ama ng Demokrasya” na si Ninoy Aquino

Ibinahagi ni Kris Aquino ang mga natutunang aral mula sa ama na si Ninoy Aquino, tinaguriang “Ama ng Demokrasya”, sa kaniyang social media nitong Martes ng gabi, Agosto 20.

watch the video here:

Ipinahayag ng aktres kung paano siya binigyan ng inspirasyon ng dating senador upang tuparin ang kaniyang mga pangarap.

“In loving remembrance of the first man who gave me the courage and the wings to believe in my dreams, together with all my love for the woman who instilled in me, the backbone to make sure my childhood wishes became reality,” aniya.

Binalikan rin ni Kris ang kabutihang loob ng kaniyang ama at kung paano nito ipinapakita ang pagmamahal at importansiya sa ibang tao.

Hinahangaan niya rin ang ina na si Cory Aquino kung paano siya prinotektahan at tinuruan na maging pinakamahusay na bersyon ng kaniyang sarili.

“Dad knew how to make people feel special and important. Mom knew how to make us feel protected and encouraged us to be the best versions of ourselves,” ani ng aktres.

“God blessed me way more than I deserved with the parents who gave me life, and the sons na ngayon naman, ako na ang nagpapalaki,” dagdag niya.

Samantala ipinagtanggol ni Kris ang kanyang kapatid na si Noynoy sa mga kritiko “Kung hindi ninyo siya tigilan, ako ang makakatapat ninyo.”

Isa lang ito sa mga pahayag ng aktres na si Kris Aquino patungkol sa mga pasaring sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

“Hindi mo (Noynoy) sinabi sa mga tao point for point lahat ng nagawa mo. And what’s happening now,” panimula ni Kris.

“Hindi ka nagnakaw pero araw-araw lahat na ng bira, lahat na ng pagsisinungaling, tinatanggap mo ‘yon, nakikita mo ‘yon, binabasa mo ‘yon, and yet you remain quiet,” sabi pa ni Kris patungkol sa pananahimik ng kanyang kapatid.

“So I’m asking all of you now, kung mahal niyo siya. Kung may nagawa siyang kabutihan para sa inyo, tumayo naman kayo para sa kanya,” panawagan ni Kris sa mga tagasuporta.

“Hindi dapat kinu-crucify ang naging mabuting tao,” giit niya.

Ayon kay Kris, anuman ang gawin o hindi niya gawin para kay Noynoy, may nasasabi ang mga tao.

“Kung pinagtanggol ko siya, ano ang ibe-blame? “Tinanggalan ko ng bayag ang kapatid ko, dahil babae ako at mas bata ako.”,” saad nito.

“Sinabihan din ako, “Do not ever speak on my behalf.” So, I obeyed. But now I am speaking on his behalf because he’s not here and he cannot stalk me,” dagdag niya.

Nagsalita si Krissy sa programa bilang pag-aalala sa yumaong Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kanina, Agosto 21, sa Manila Memorial Park.

Iginugunita ngayong araw, Agosto 21, ang kamatayan ni Ninoy sa dating Manila International Airport na naghudyat ng rebolusyon sa diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.