Kung sa QC bawal ang rally: Iloilo Mayor aprubado ang protesta sa SONA ni Pangulong Duterte

Pinayagan ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang mga aktibista sa kanilang lugar para magprotesta sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes.

Naglabas ng rally permit si Trenas para sa ilang grupo para magtipon sa Sunburst Park, kung saan kailangan sumunod ang mga raliyista sa mga minimum health standard tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Ang nasabing rally ay inorganisa ng SONAgkaisa na binubuo ng Jaro Archdiocesan Social Action Center, Convention of Philippine Baptist Churches, Promotion of Church Peoples’ Response, Sisters from Alliance of Consecrated Women of Iloilo, Ang Dios Gugma, Kabataan Patylist, Anakbayan Panay, Kaisog, Pamanggas, Kilusang Mayo Uno, Gabriela, PISTON, Panayanons Against Terror Act, Movement Against Tyranny, All U.P. Academic Employees Union, Liberal Party Iloilo, Akbayan, Kaya Natin!, Samahang Magdalo, SENTRO, Partido ng Manggagawa, National Union of People’s Lawyers, at BAYAN Panay.

Iba ito sa naging desisyon ng Quezon City local government, kung saan binawi ang pamimigay ng permit para sa protesta sa SONA alinsunod sa pagdiin ng Department of Interior and Local Government na bawal ang mass gathering ilang araw bago ang talumpati ng Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.