Lahat ng sakay ng nag-crash na C-130 sa Jolo Sulu, narekober na

Narekober na ng search and retrieval teams ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng sakay ng Philippine Air Force C-130 na nag-crash habang papalapag sa Jolo Airport.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa huling tala ngayong umaga, 47 ang tauhan ng militar na nasawi, at 49 ang sugatan mula sa 96 na sundalong sakay ng eroplano, kabilang ang tatlong piloto at limang crewmen.

Apat na sibilyan naman sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang nasawi at tatlo ang sugatan.

Nasa 32 sa mga sugatang sundalo ang dinala sa Zamboanga para gamutin, habang 18 sa mga sugatan ang nasa station hospital ng 11th Infantry Division.

Samantala, sinabi naman ni Lorenza na patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa black box ng C-130.

Sa ngayon, bantay-sarado pa rin ang crash site ng mga sundalo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.