LAKAS-CMD, handang tulungan si Davao City Mayor Sara Duterte para matiyak ang pagkapanalo sa eleksyon

Welcome development para sa LAKAS-CMD ang pagkumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte na kaniya ngang pinag-iisipan ang pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2022 National Elections.

Ayon kay Leyte Rep. Martin Romualdez, party president ng LAKAS, handa nilang pakilusin ang buong machinery ng partido, mula national level hanggang gobernador, kongresista, alkalde at konsehal upang matiyak ang kanyang pagkapanalo oras na magdesisyon itong tumakbo nga sa halalan.

Ang LAKAS-CMD ang unang political party na nagpahayag ng intensyon na pagtibayin muli ang alyansa sa pagitan ng partido ng presidential daughter na Hugpong ng Pagbabago.

Bukod dito, susuportahan din aniya ng partido ang mapipiling vice-presidential candidate ng HNP.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.