Las Piñas Rep. Villar, tinanggihan ang pagiging deputy speaker sa isinagawang rigodon sa Kamara

Tinanggihan ni Las Pinas Representative Camille Villar ang pagkakatalaga sa kanya bilang deputy speaker kasunod ng isinagawang rigodon sa ilang key positions sa Kamara.

Sa liham ng kinatawan kay House Speaker Lord Allan Velasco, bagamat ipinagpapasalamat ang tiwala at pagkaka-konsidera na mailuklok bilang deputy speaker ay tinanggihan ito ni Villar.

“It is an opportune time to work with my fellow congressmen and the leaders of the House of Representatives on policy measures that would give personal and economic relief to our kababayans amid the past disasters and the pandemic. But the grater tact is adherent responsibility to our constituents, and the constant affinity to the leadership and nation,” paliwanag ni Villar.

Pagtitiyak naman nito na mananatili siyang committed bilang katuwang sa pagsusulong ng legislative agenda ng liderato.

Sa sesyon kahapon ay inalis bilang deputy speakers sina Batangas Representative Raneo Abu, Capiz Representative Fredenil Castro, at Laguna Representative Dan Fernandez na pawang mga kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.

Pinalitan naman ang mga ito nina Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriquez at Buhay Partylist Representative Lito Atienza.

Itinalaga naman bilang chairperson ng House Committee on Energy si Pampanga Representative Mikee Arroyo bilang kapalit ni Speaker Velasco.

Pinalitan naman ni Caloocan Representative Dale Malapitan bilang pinuno ng House contingent sa House of Representative Electoral Tribunal si Kabayan Representative Ron Salo.

Si ACT-CIS Representative Eric Yap na kasalukuyang chairperson ng House Committee on Appropriations ay itinalaga naman bilang vice chairman ng House Committee on Accounts.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.