Legacy roadshow ni Pangulong Duterte, inilunsad!

Sa nalalabing 12 buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang, naglungsad ang gobyerno ng ‘legacy roadshow” para isa-isahin ang mga nagawa ng Pangulo para labanan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.

Inilunsad ang unang “pamana” sa Butuan City bilang bahagi ng ika-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Layon ng nasabing legacy roadshow na impormahan ang lahat ng rehiyon at probinsya sa bansa ukol sa mga programang inilunsad at nakamit ng Pangulo.

“Through this initiative, we (shall) inform the various regions and provinces of the administration’s accomplishments in the areas of poverty alleviation, nutrition supplementation and the fight against hunger during this health emergency,” ani Nograles, na siya ring chair ng government task force on zero hunger.

Kabilang sa mga programang ito ang Enhanced Program Against Hunger and Poverty (EPAHP) program maging ang National Food Policy na mga hakbang para wakasan ang kagutuman, pagkamit ng seguridad sa pagkain, pagpapabuti ng nutrition at promoting sustainable agriculture.

“For instance, we pushed for the planting of the Adlay rice variety in Caraga as an alternative food and income source for farmers, indigenous peoples (IPs) and former rebels, and we covered Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) to comprehensively address hunger and poverty in the region,” aniya pa.

Tuloy-tuloy din ang pakikipagtulungan ng gobyerno sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Pilipinas Kontra Gutom initiative.

Ani Nograles, sa kabila nang malayong narating ng administrasyon Duterte sa paglaban sa kagutuman ay hindi pa rin umano tapos ang laban.

“We have achieved a lot, but of course this process is a continining one. Hunger, malnutrition and food security are everyday concerns that’s why we need to address these problems both immediately and in the long-term,” ayon pa sa CabSec.

“Kailangan natin magtulungan. We won’t stop. That’s our commitment to the Filipino people.”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.