Lider ng NPA, Arestado sa Quezon City

Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Capital Region Police Office (NCRPO), at JTF NCR ang isang wanted na New People’s Army (NPA) leader, sa operasyon sa Saphire Street, Brgy. Payatas B, Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ni CIDG Director, Police Major General Joel Napoleon Coronel kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas, kinilala ang suspek na si Allan Morales alyas Joseph Erwin Rimando, Alvin Advincula, Budlat at Dante Morales.

Inaresto si Morales sa bisa ng warrant na inisyu ni Hon. Sisinio C. Virtudazo, presiding judge ng RTC Branch 4 of Tagbilaran City, para sa kasong murder.

Na-recover sa supek ang walong barrel assemblies ng M4 assault rifle; isang Fragmentation Hand grenade; isang KG9 9mm Sub Machine gun; isang 45 cal. Pistol; at mga magazine at bala.

Batay sa intelligence records ng PNP, si Morales ang Deputy Secretary ng Regional Committee ng Negros-Cebu-Bohol-Siquijor (NCBS), Regional Committee ng CPP-NPA-NDF, at dating Secretary ng Regional Peasant Sugar Workers Bureau (RPSWB) sa Negros.

Nagsilbi din ito bilang dating Secretary ng Regional Committee for Central Visayas at Secretary ng National Youth Student Bureau.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.