Lider ng Senado, hati ang opinyon sa pagsusulong ng “people’s initiative” para sa ABS-CBN

Magkaiba ang pananaw ng mga senador tungkol sa posibilidad ng pagsusulong ng “people’s initiative” para mabigyan muli ng prangkisa ang broadcast network na ABS-CBN.

Duda si Senate President Vicente Sotto III na posible itong maisagawa.

Pinunto ni Sotto na ang mga private bills, gaya ng paggawad ng legislative franchises, ay dapat manggaling lang sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Dagdag pa ng Senate president, maaari ring maging isyu kung may pondo ba para dito ang Commission on Elections (Comelec) at kung ito ay naaayon ba sa Konstitusyon.

Gayunpaman, sakaling posible aniya ito ay handa naman siyang sumuporta at pumirma dito.

Samantala, para naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, isa ang “people’s initiative” sa mga available remedy para sa prangkisa ng network.

Naniniwala si Drilon na bagamat nagpahayag ng alinlangan ang Malakanyang tungkol sa availability ng “people’s initiative” para magpasa ng isang prangkisa, hindi naman aniya ine-exclude at tinutukoy ng Konstitusyon kung anong mga uri ng batas ang maaaring maipasa ng taumbayan sa pamamagitan ng “people’s initiative”.

Sa ilalim ng batas, kailangan ng pirma ng 10 porsyento ng populasyon ng mga registered voters sa bansa o katumbas ng 65 million na pirma para maisagawa ang “people’s initiative”.

Kailangan ring tiyakin na magkakaroon ng at least three percent na kinatawan ang bawat legislative district sa mga makakalap na pirma.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.