LMP – Bulacan Chapter, hinikayat si Davao City Mayor Sarah Duterte na tumakbong pangulo sa susunod na taon

Nagsumite ng resolusyon ang mga alkalde sa lalawigan ng Bulacan para hikayatin si Davao City Mayor Sarah Duterte na kumandidatong Pangulo ng bansa sa 2022 Presidential election.

Ginawa ng mga alkalde ang panawagan sa kanilang General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines Bulacan Chapter.

Sa pinirmahang resolusyon, nais nilang si Mayor Inday ang pumalit sa kanyang ama upang ituloy ang mga nasimulang proyekto.

Sabi nila, hindi raw kasi naitutuloy ang mga magagandang programa ng mga papaalis na Pangulo sa tuwing may papasok na bagong administrasyon.

Dahil sa dami ng mga iiwanang magagandang nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang anak nitong alkalde ang nakikita ng LMP Bulacan Chapter na maaaring humalili upang tapusin ang nasimulan ng kanyang ama.

Bukas din ang mga alkalde na kumandidatong bise presidente si Pangulong Duterte upang alalayan ang kanyang anak sa pagpapatakbo ng bansa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.