LOOK: Certified true copy of the President’s Absolute Pardon granted to U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton

Certified true copy of the President’s Absolute Pardon granted to U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Nasa kamay na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang release order ni US Marine Lance Joseph Scott Pemberton.

Nakatakda namang dalhin sa Joint United States Military Advisory Group sa Camp Aguinaldo ang nasabing release order ayon kay BuCor Director General Undersecretary Gerald Bantag.

Kung matatapos na aniya ang proseso sa pag-release ni Pemberton ay maaaring makalipad na ito palabas ng bansa ngayong araw ngunit hindi pa masabi ni Bantag kung mapapalaya ito ngayong araw.

Matatandaang binigyan ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Pemberton noong Lunes kahit pa marami ang tutol sa maagang pagpapalaya nito.

Kaugnay nito, nauna ng sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) naghihintay nalmang sila sa request ng Bureau of Corrections para sa paglaya ni US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton .

Ayon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, wala silang ginagawang preparasyon dahil ang BuCor ang in-charge sa detention, processing, at actual release ni Pemberton.

Sa ngayon, sinimulan na ang pagproseso sa paglaya ng convicted murderer na si Pemberton.

Matagal aniya kasi bago matapos ang internal processes-biometrics, validation at ibang proseso para sa pagpapalaya kay Pemberton.

Una nang sinabi ng Bureau of Immigration (BI) na ipoproseso na nila ang deportation order ni Pemberton sakaling mai-release na ito sa kanyang detention cell.

Si Pemberton ay hinatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude sa Olongapo City noong 2014.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.