Lt. Colonel Jovie Espenido malayang pumatay ng drug personality sa Bacolod

Ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Police Lt. Colonel Jovie, Patayin ang mga salot sa droga! matapos itong ilipat at italagang deputy police director for operations ng Bacolod City Police Office.

watch the video here:

Sa kanyang talumpati sa 45th Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na kasama na ang Bacolod sa may problema sa iligal na droga kaya nito itinalaga si Espenido sa nabanggit na lugar.

Kinatatakutan aniya si Espenido ng mga sangkot sa illegal drug trade kaya iniutos nito na patayin ang lahat ng mga sangkot sa iligal na droga.

Sakali man aniyang maasunto ang police official ay sasamahan niya ito sa kulungan.

“Bacolod is partly hit now. I placed Espenido there ‘yung kinatakutan nila na police. Sabi ko ‘go there and you are free to kill everybody. T*n* i*a ‘yan, start killing them, dalawa na tayong magpapreso,” anang Pangulo.

Matatandaang si Espenido ang team leader ng mga awtoridad na sumalakay sa bahay ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na naging dahilan ng pagkamatay nito gayundin ni dating Albuera Mayor Rolando Espinosa na napatay sa loob ng kanyang detensiyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.