Lt. Gen. Parlade sa Makabayan bloc: Wag ipitin ang budget ng mga tanggapan ng pamahalaan

Hinamon ng isang mataas na opisyal ng miltar ang Makabayan bloc sa Kamara sa isang “Bare it all” debate upang patunayan na wala silang kaugnayang sa mga teroristang komunista.

Ayon kay Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., hindi makatuwiran na ipitin ng mga miyembro ng Makabayan bloc ang budget ng mga ahensya ng pamahalaan na kontra sa mga komunista.

Ito’y matapos na akusahan ng Makabayan bloc ng red-tagging si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy, at ipitin ang budget ng kanyang ahensya, dahil sa kanyang mga pahayag na nag-uugnay sa mga progresibong mambabatas sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Dinipensahan ni Parlade si Badoy at sinabing hindi gobyerno ang unang nag-red tag sa mga progresibong mambabatas, kundi mga kasamahan nila mismo sa kilusang komunista.

Tinukoy ni Parlade sina BAYAN MUNA Representative Carlos Zarate, Eufemia Culliamat, at Ferdinand Gaite; KABATAAN Representative Sarah Elago; at maging ang dating kongresista na si Teddy Casiño.

Ayon kay Lt. Gen. Parlade, dapat patunayan ng mga nasabing mambabatas na mali ang ipinaparatang sa kanila at ihayag sa sambayanan ang kanilang mariing pagkondena sa ginagawang pag-atake, pananakot, at pagpatay ng New People’s Army (NPA).

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.