LTO, walang sapat na kapangyarihan para magpatulad ng police powers sa nationwide vehicle inspection

Dapat dumaan sa review ng Investment Coordination Committee ang Private Motor Vehicle Inspection Centers o PMVICs.

Paliwanag ng mga kongresista, ang lahat ng government at corporate projects na may halagang ₱2.5-billion pesos pataas ay dapat isinasailalim sa Investment Coordination Committee o ICC sa pangunguna ng National Economic Development Authority (NEDA).

Kung susumahin ang presyo ng lahat ng 138 operational PMVICs na nagkakahalga ng ₱65-million bawat isa ay papalo sa ₱8-billion ang kabuuang halaga nito.

Kinuwestyon naman ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang karapatan ng Department of Transportation (DOTr) na magpatupad ng police power sa ilalim ng isang nationwide vehicle inspection.

Paliwanag ng mambabatas, executive order lamang ang pinagbasehan ng LTO sa pagpapatupad ng inspeksyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.