Lumantad na alyas ‘Bikoy’ tumangging may kaugnayan sa Otso Diretso

watch the video here:

Mariing itinanggi ng lalaking lumantad at nagpakilalang si alyas ‘Bikoy’ na wala itong kaugnayan sa opposition senatorial slate na Otso Diretso.

Si Alyas Bikoy o ang nagpakilalang si Peter Joemel Advincula, ang naka-hood na lalaki sa serye ng video clips na pinamagatang ‘Ang Totoong Narcolist.’

watch the video here:

Dumulog nitong hapon sa Integrated Bar of the Philippines, si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy para humiling ng proteksyon at humingi ng tulong ligal.

Bukod sa hindi pagkakaugnay sa Otso Diretso, sinabi rin ni Advincula na hindi nito kilala ang naarestong si Rodel Jayme, na siyang gumawa ng website na nagpakalat ng mga video ng “Ang Totoong Narcolist.”

Dagdag pa ni Advincula, wala rin itong ugnayan sa kahit na sinong kandidato at partido.

Pakilala ni Advincula, isa siyang dating marketing executive ng isang kompanya at noong Pebrero 2010, inilipat siya ng boss niya sa isang sindikato kung saan aniya siya nagtrabaho bilang control man.

Pagkatapos nito, inilipat siya sa isang facilitating team kung saan siya nagtrabaho sa ‘tara’ o ang umano’y buwanang alokasyon ng drug money sa ilang mga personalidad.

Kabilang din aniya sa kanyang trabaho, ang pag-scan ng codes ng mga tattoo.

Taong 2012, nang kasuhan ito ng estafa, at masentensiyahan ng 6-taong pagkakakulong dahil sa ilang mga dokumento na kanyang pinirmahan pero taong 2016 ay napaaga ang paglaya nito dahil sa pagpapakita ng ‘good behavior.’

Matapos lumaya ay nakakita ito ng bagong trabaho at nagbalak na magsimula ng bagong buhay, pero dahil konsensya at natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay ay naisipan nitong ilabas ang mga nalalaman.

Nangako naman si Advincula na handa siyang sumalang sa imbestigasyon ng Senado.

“Handa po ako na humarap sa ano mang imbestigasyon ng Senado upang patotohanan ang lahat ng inilabas ko sa video serye,” ayon kay Advincula. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.