Mactan-Cebu International Airport, binuksan ang kauna-unahang PH COVID-19 airport lab sa bansa

Sinimulan na ng Mactan-Cebu International Airport ang kanilang operasyon bilang kauna-unahang paliparan sa Pilipinas na mayroong molecular laboratory na dedicated para sa pagsasagawa ng COVID test.

Katuwang ng paliparan ang GMR Megawide Cebu Airport Corporation (GMCAC) sa pagbubukas ng 400-sqm. lab na ito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang laboratoryo na ito ay kayang magproseso ng nasa 1,500 hanggang 3,000 RT-PCR tests kada araw.

Kaya rin aniya na sa loob lamang 24 na oras ay makuha na ang resulta ng mga COVID test. Ito na aniya ang pinakamabilis na panahon para mailabas ang swab test results sa bansa.

“Nagsimula na po ang operasyon ng kauna-unahang airport sa Pilipinas na may dedicated COVID-19 PCR testing with molecular laboratory, ito po ang Mactan-Cebu International Airport. Kaya ng lab na mag-process ng 1,500 to 3,000 tests kada araw at kayang makuha ang test results sa loob ng 24 oras; ito po ang shortest time in the country to release swab test results.” —Secretary Roque.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.