Magpasingit at sumingit, matagal nang ugali ng Pinoy — Pangulong Duterte

Mahirap mang tanggapin ay matagal nang ugali ng mga Pilipino ang sumingit o magpasingit.

Galing ito mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga ulat na ilang mga personalidad na nasa puwesto pa man din ang sumalang na sa pagbabakuna kahit hindi pa sana dapat.

Sinabi ng Pangulo na isang isipang Pinoy ang magpasingit na mahirap mang aminin ay nangyayari ultimo sa umiiral na ngayong vaccination program kung saan ay dapat sanang naipapatupad ng mahigpit ang prioritization policy.

Ang problema sabi ng Chief Executive ay nasa first group pa lang tayo ng pagbabakuna at nangyayari na ang ganitong mga senaryo ng paniningit gayung nasa 1.7 milyon pa muna sana ang dapat na maunang maturukan.

Ilang mga local chief executives na binigyan ng show-cause orders ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang binanggit na din ng Pangulo kasunod ng pagsalang ng mga ito sa bakuna bagamat hindi naman sila kabilang sa priority list habang lumutang din ang pangalan ni Mark Anthony Fernandez na isa din sa mga nakapag- pabakuna na.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.