Mahigit 18,000 rebelde nagbalik-loob sa panahon ng Pangulong Duterte -Phil Army

Nakakatamasa na ng normal na pamumuhay sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay ang mahigit 18,000 dating rebelde na nagbalik-loob sa panahon ng Pangulong Duterte.

Ito ang inihayag ni Major General Ernesto C. Torres, Commander ng 10th Infantry Division ng Philippine Army (PA) sa lingguhang press conference ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

Kabilang aniya dito ang 92 child soldiers na naligtas dahil sa “whole of nation approach” para wakasan ang insurhensya na ipinatupad ng pamahalaang Duterte.

Ayon sa Heneral, tuloy tuloy ang trend ng pagtalikod ng mga kasapi ng kilusang komunista sa CPP-NPA-NDF, dahil sa pagkakataon para magbagong buhay na inialok ng pamahalaan.

Sinabi naman ni Task Force Balik loob Chair at Defense Undersecretary Reynaldo Mapagu, na nakatulong sa malaking bilang ng pagsuko ang Enhanced Comprehensie Local Integration Program o E-CLIP na nagkakaloob ng pinansyal na suporta sa mga dating rebelde para makapagsimula uli.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.