Makabayan Bloc, civil society groups namahagi ng tulong sa bagyong Ulysses victims sa Marikina, Rizal

Namahagi ng tulong sa mga nasalanta ni bagyong Ulysses sa Metro Manila at Rizal ang Makabayan Bloc at mga grupo ng civil society.

Namigay ang Bayan Muna at ang People for Accountable Governance and Sustainable Action (Pagasa) ng hot meals sa mga evacuation center sa Malanday, Marikina, Tatalon, Quezon City, at sa Rodriguez, Rizal.

Day 2 of food repacking for families affected by typhoon #UlyssesPH kasama si Gabriela Rep. Arlene Brosas. Patuloy na…

Posted by Gabriela Women's Party on Thursday, November 12, 2020

Habang ang Gabriela ay namahagi rin ng food packs sa Malanday.

Samantala, nagre-repack na ng relief goods ang Kabataan party-list.

“If what you’d like is to cook food for evacuees, we can pay for delivery to our HQ in Quezon City, and will bring what you send to evacuation centers in need,” ayon sa Facebook post ng Pagasa.

Anila, maaaring magtagal pa ang evacuees sa mga evacuation center habang naghihintay na humupa ang baha at maglinis ng kani-kanilang tahanan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.