Makabayan bloc, pumalag sa pag-uugnay ng AFP sa ilang celebrities bilang NPA

Sa kabila ng babala ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga aktres na sina Liza Soberano at 2018 Miss Universe Catriona Gray na tigilan na ang pagkiling sa mga militanteng grupo, ay hinimok pa ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate ang ibang mga celebrities na lumantad at manindigan para sa karapatan ng ordinaryong mamamayan.

Ayon sa kongresista, natutuwa sila sa MAKABAYAN na ang mga tulad nila Soberano at Gray, ay ginagamit ang kasikatan at impluwensya para suportahan ang adbokasiya na kumikilala sa karapatang pantao.

Wala rin naman umanong masama kung magsalita ang mga kilalang celebrities sa bansa para sa mga marginalized at biktima ng mga pang-aabuso.

Iginiit naman  ni Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na tigilan na ang red-tagging sa aktres na pilit na iniuugnay sa armed movement gayong ang ginawa lang naman ni Soberano ay nagsalita para sa mga kabataan at kababaihang biktima ng gender-based violence and abuse.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.