Makakatanggap ang mga Gov’t Employees ng 14th pay, P5K cash gift, mula Nov. 15 – Sec. Diokno

Inanunsyo ni Budget Secretary Benjamin Diokno na makakatanggap na ang mga state workers ng cash gift at year-end bonus o christmas bonus mula Nobyembre 15.

“In the spirit of the upcoming Christmas season, government workers nationwide will receive their 14th pay or Christmas bonus and cash gift starting tomorrow, November 15,” ani Diokno. “The year-end bonus is equivalent to a full month’s salary, while the cash gift amounts to P5,000”.

Minarkahan ng Department of Budget and Management ang P29.7 bilyon para sa year-end bonus ng mga civilian personnel at isa pang P6.5 bilyon naman sa year-end bonus ng military at uniformed personnel (MUP).

Para naman sa P5,000 cash gift, naglaan ang Budget Department ng P5.6 bilyon sa civilian state workers at P1.7 bilyon sa MUP.

Ito  ay naaayon sa Budget Circular No. 2016-4, na naguutos na dapat maibigay ang mga incentive pagtungtong ng Nobyembre 15 ng kasalukuyang taon sa mga qualified government personnel.

Kabilang sa makatatanggap ng bonus at incentive ay ang mga nasa government service mula Oktubre 31 ng kasalukuyang taon at may mahigit apat na buwang serbisyo mula Enero 1 hanggang Oktubre 31.

Makatatanggap din nito ang mga nagretiro o humiwalay sa government service bago mag Oktubre 31 ng kasalukuyang taon at nakapag-render ng mahigit “total of an aggregate of four months of service” mula Enero 1 at magagrant ng isang  pro-rated year-end bonus at cash gift sa loob ng buwan ng pagreretiro o pag-alis.

“The 13th month pay and other benefits, including productive incentives and Christmas bonuses, are exempted from tax if they do not exceed P90,000, according to Republic Act 10963 or the Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law,” ani Diokno. “On top of these bonuses, government employees can also look forward to receiving their Productivity Enhancement Incentive, which will be released starting December 15”

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.