Makati City, muling kinilala ng COA dahil sa mataas nitong audit rating

Sa ikatlong sunod na pagkakataon ay nakamit ng lungsod ng Makati ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) para sa 2019 financial statements nito.

Natanggap ng lungsod ang magandang balita sa isang liham na nilagdaan ni COA Director Omar Roque.

Ikinalugod ni Mayor Abby Binay ang ‘unmodified opinion’ na ibinigay ng COA matapos magpasyang patas at naaayon sa generally accepted accounting principles ang sinuring financial statements ng Makati.

Nakapagtala rin aniya ng four percent-revenue growth ang Makati sa first half ng taon.

Batay sa ulat ni City Treasurer Jesusa Cuneta, tumaas ng apat na porsiyento ang koleksyon mula sa Business Tax na umabot sa ₱6.69-billion pesos kumpara sa ₱6.42-billion pesos noong nakaraang taon.

Ang kita naman mula sa Real Property Tax ay tumaas ng tatlong porsiyento at naging ₱4.72-billion, mula sa ₱4.58-billion noong 2019.

Dagdag pa ni Cuneta, naabot na ng lungsod nitong Hunyo ang 73 percent ng target revenue para sa taong 2020 matapos umabot sa ₱12.98-billion pesos ang aktwal na koleksiyon na malapit na sa ₱17.76-billion pesos.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.