Makati Mayor Abby Binay: Public columbarium itatayo para sa libreng cremation

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Makati sa susunod na buwan ang konstruksyon ng public columbarium sa lumang puwesto ng Catholic Cemetery sa lungsod.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, mag-aalok ng libreng cremation at inurnment services ang proyekto sa mga residente na malaking tulong para kahit paano ay maibsan ang gastos sa pagpapalibing.

Paraan din aniya ito ng city government upang masolusyunan ang kakulangan sa espasyo para sa paglilibing sa Makati.

Iginiit ni Binay na makakaasa ang mamamayan ng disenteng libing para sa kanilang mga yumao anuman ang estado ng pamumuhay.

Batay sa site development plan ng City Engineering Department, magkakaroon ng dalawang gusali ang kolumbaryo kung saan matatagpuan ang chapel, viewing areas, cremation area at 14,784 urn vaults.

Ookupahan ng pasilidad ang 4,000 square meters na lumang sementeryo sa Kalayaan Avenue.

Una nang inabisuhan ng LGU ang pamilya ng mga yumao na nakalibing sa lumang sementeryo na makipag-ugnayan sa Makati Health Department para mailipat ang mga labi.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.