Makati RTC Branch 150 nag-isyu ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Sen. Antonio Trillanes IV

MAKATI RTC NAG-ISYU NA NG ARREST WARRANT AT HOLD DEPARTURE LABAN KAY TRILLANES!

Makati RTC Branch 150 nag-isyu ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Sen. Antonio Trillanes IV sa kasong rebelyon sa Manila Peninsula siege noong 2007.

Habang On going naman ang Committee hearing ng Social Justice sa pangunguna ng chairman nito na si Senador Antonio Trillanes IV sa gitna ng isyu ng pag-aresto sa kanya.

com

Pagkatapos ng Committee Hearing lumabas eto agad at humarap sa media. Eto ang kanyang pahayag sa pag-isyu ng warrant of arrest ng Makati RTC Branch 150.

Natalo po ang demokrasya ngayong araw na eto, kahit ipinakita na namin ang lahat ng ebidensya kontra sa pagrevoke ng amnesty. Ngayon parin, nilabas pa rin ang warrant of arrest na ito wala na po tayong demokrasya. Wala po akong krimen na ginawa kasi nabigyan na ako ng Amnesty ni dating Pangulong Noynoy Aquino. 7 taon na ang nakalipas eto ay maliwag na pangiipit ni Duterte sa mga kritiko nya sa pulitika, yong mga nagsasabi ng totoo hindi nya maharap. Ngayon, magpopost ako ng bail. Kagaya ng sinabi ko sasama ako kapag merong warrant.  Muling iginiit ni Trillanes na nanaig ang kadiliman at kasamaan dito sa ating bayan kung anuman ang aking hinaharap ay nasa kamay ng mamamayang Pilipino.

Pagkatapos ng interview sinundo naman ni PNP Chief Oscar Albayalde si Trillanes at isinakay eto sa police car patungo sa Makati RTC para maghain ng P200,000 piyansa.

 

Sen. Antonio Trillanes IV sa headquarters ng Makati City Police kung saan sumailalim ito sa tinatawag na ‘booking procedure.’

Ito ay matapos na magpalabas ng arrest warrant ang Makati RTC Branch 150 ngayong araw laban kay Trillanes sa petisyon ng Department of Justice (DOJ) bunga ng inilabas na Proclamation No. 572 ng Malacañang.

Bagaman ipinapaaresto ng korte, itinakda naman ni Judge Elmo Alameda ang bail o piyansa sa halagang P200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng senador.

Reaksyon ng mga netizens sa pagkaka-aresto kay Trillanes:

com1123

com112

 

Source: Facebook

 

 

 

 

 

Facebook Comments

3 thoughts on “Makati RTC Branch 150 nag-isyu ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Sen. Antonio Trillanes IV

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.