Malacañang: Balasahan sa PhilHealth, dapat regular na ipinatutupad

Naniniwala ang Palasyo na dapat ay regular na ipinatutupad ang balahasan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng utos ni Pangulo Rodrigo Duterte na magkaroon ng reshuffle sa mga opisyal ng PhilHealth, kasama na ang mga regional vice presidents nito upang matuldukan ang mga iregularidad sa tanggapan.

Sa ganitong paraan ayon sa kalihim, matitiyak na hindi nagkakaroon ng familiarity ang mga opisyal at kawani sa kanilang posisyon, at upang maiwasan na maging masyadong komportable ang mga ito sa kanilang pwesto.

“At tingin ko naman po, this should be done regularly kasi nga po hindi naman dapat masyadong nagtatagal iyan sa mga regional offices dahil parang nagkakaroon na sila ng sariling ‘kingdom’.  So, it’s just a reshuffle,” paliwanag ni Roque.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Secretary Roque na ang reshuffle na ipinag-utos ni Pangulong Duterte ay para lamang sa hanay ng PhilHealth at Bureau of Customs (BOC), at hindi kabilang sa mga ito ang hanay ng National Bureau of Investigation (NBI).

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.