Malacañang: Banat ni Sen. Trillanes sa pagpapasara ng Pangulo sa Kapa, di na dapat sagutin

Hindi na papatulan pa ng Palasyo ang panibagong banat ni Senador Antonio Trillanes IV laban sa administrasyong Duterte.

Sa pahayag kasi ng senador, sinabi nito na kung totoo ang impormasyon na rehistrado ang Kapa Ministry sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang isang religious organization, at ang sinasabing investment ay nakasaad sa dokumento bilang donation, iginiit ng senador na walang karapatan ang administrasyong Duterte na pigilan ang operasyon nito dahil sa constitutional guarantee of religious freedom.

Hinihimok rin ng senador ang mga miyembro ng Kapa na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa pagbalewala umano nito sa religious freedom ng mga miyembro.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nagsimula na namang magmaktol ang senador.

Bukod sa walang saysay ang sinabi nito, hindi na aniya dapat sagutin pa ang pahayag nito. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.