Malacañang, bumuwelta sa bagong banat ni VP Robredo sa failed drug war ng Duterte Admin

Muli, ay hindi pinalampas ng Malakanyang ang panibagong patutsada ni Vice President Leni Robredo patungkol sa aniya’y “failed drug war” ng Administrasyon.

watch the video here:

Buwelta ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, nakapagtataka at tila patuloy lang na dinededma ng Pangalawang Pangulo ang pagkakuntento ng walo sa bawat sampung Pilipino sa anti-illegal drug campaign ng Pamahalaan.

Mas maigi ayon kay Panelo kung ang konsultahin nito ay ang taong bayan mismo sa halip na ang pinagbabatayan nito para batikusin ang gobyerno ay ang mga isinusubo ritong black propaganda ng kanyang mga kasamahan sa oposisyon.

Dagdag ni Panelo na baka mas makabuti pa nga sa Bise Presidente kung wala sa paligid nito ang mga kasamahan sa oposisyon na aniya ay ang pawang kasinungalingan ang ikinakalat laban sa drug war ng gobyerno.

Sinabi ni Panelo na kung hindi man masugpo ng Duterte government ang problema sa droga, ito ay dahil na rin sa   pagpapabaya at kabiguan ng nakaraang Administrasyon upang ito ay masugpo at masawata. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.