Malacañang bumuwelta sa mga senador sa Amerika ukol kay De lima: Mind your own business

Binanatan ng Malacañang ang mga senador sa Amerika matapos gumawa ng hakbang para pagbawalang magtungo sa Estados Unidos ang lahat ng opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay Senadora Leila de Lima.

Sa statement sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang hakbang ng US Senate committee on an amendment ay “insulting” at “offensive” at pakikialam sa Pilipinas.

“It is an insult to the competence and capacity of our duly constituted authorities as such act makes it appear that this US Senate panel has the monopoly of what is right and just. It is an outright disrespect to our people’s clamor for law and order,” ani Panelo.

Dagdag pa niya, tinatrato ng US Senate panel ang Pilipinas na isang mababang estado na hindi kayang solusyunan ang sarili nitong isyu.

Dapat umanong ipataw ang batas sa sinumang mamamayan anuman ang political at social status nito gaya ni De Lima.

Pinaalalahanan din niya ang mga Amerikanong senador na gayahin ang Pilipinas na nakatuon sa sarili nitong bansa.

“We continue to mind our own business, as each nation has enough problems that its government should focus on. We hope that the Senate panel of the United States of America shares the same policy,” aniya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.