Malacañang: Di lalampas sa termino si Pangulong Duterte, sa kabila ng mga nagsusulong ng RevGov

Nilinaw ng Palasyo na walang silbi sa kasalukuyan ang isang revolutionary government, dahil nakatutok ang pamahalaan sa laban ng bansa sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung noong mga unang taon sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagpapahayag ito ng suporta sa revolutionary government, sa kasalukuyan, nagbago na aniya ang posisyon ng Pangulo, dahil nagbago na rin ang mga dapat na bigyang prayoridad ng pamahalaan.

Sa mga nagdududa aniya na baka manatili pa sa pwesto ang Pangulo matapos ang dalawang taon nitong termino, tiniyak ni Secretary Roque na hindi ito mangyayari, at malayo ito sa isip ng Pangulo.

Ayon sa kalihim, paulit-ulit naman nang sinabi ni Pangulong Duterte, na nais na lamang nitong tapusin ang kanyang termino, at agad na ipasa ito sa susunod na ilukloklok ng mga Pilipino sa pwesto.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.