Malacañang, nagdeklara na ng half-day bukas para sa mga kawani ng pamahalaan

Idineklara na ng Palasyo na half-day bukas, October 31.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea kaugnay na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga magsisi-uwian sa kani-kanilang mga probinsiya para sa Undas.

Sa inilabas na Memorandum Circular No. 69, idinedeklara rito na suspendido na ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno simula alas-12:00 ng tanghali bukas.

Ganunpaman, hindi saklaw ng suspensiyon ang mga tanggapan ng pamahalaan na ang trabaho ay may kaugnayan sa paghahatid ng basic health services at nasa disaster preparedness.

Sa kabilang dako’y nasa diskresyon na ng mga employers ang pagsususpinde ng pasok sa trabaho ng mga nasa pribadong sektor kabilang na ang mga nasa private schools.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.