Malacañang Palace: umaasang paninindigan ng susunod na lider ng bansa ang pagbasura ni Pangulong Duterte sa VFA

Naniniwala ang Malacañang na dapat ipagpatuloy ng susunod na magiging pinuno ng bansa ang mga nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na dito ang naging tindig nito sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat ay mayroon ding sariling judgement ang susunod na Pangulo ng Pilipinas.

Dapat ayon kay Panelo ay tumayo sa sariling paa at hindi umaasa sa iba pang nasyon ang susunod na Commander in Chief sa gitna ng naging hakbang ng Administrasyon na ipawalang bisa ang Visiting Forces Agreement sa Amerika.

Kumbinsido umano ang Pangulo na panahon na para palakasin ng Pilipinas ang sarili nito at hindi maging ‘parasite’ o umaasa lamang sa tulong mula sa ibang nasyon.

Hangat patuloy umanong nakasandal sa ibang bansa ang Pilipinas ay hindi umano gagalaw at babagal ang pag-unlad ng Pilipinas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.